Arestado si Janice Espiritu, 37, matapos makuhanan ng anim na plastic sachets ng naglalaman ng nasa 30 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P204,000 ang halaga makaraang masita ng mga tauhan ng Bagong Barrio Police Sub-Station na nagsasagawa ng Oplan Galugad sa Magaling Street, Brgy. 145, Calocan city dahil sa hindi pagsuot ng face mask. (RIC ROLDAN)
SA kulungan ang bagsak ng isang 37-anyos na bebot matapos makuhanan ng higit sa P.2 milyon halaga ng shabu makaraang masita ng mga pulis dahil walang suot na face mask sa Caloocan City.
Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong suspek na si Janice Espiritu ng Hosea Street, Gen. Malvar Bagong Barrio, Brgy., 143.
Ayon kay Col. Mina, dakong 3:20 ng madaling araw, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Bagong Barrio Police Sub-Station, kasama ang 2nd MFC RMFB sa Magaling Street, Brgy. 145 nang mapansin nila ang suspek na walang suot na face mask.
Nang sitahin, tumakbo ang suspek at tinangkang tumakas subalit, nagawa itong makorner ng mga pulis.
Nakumpiska sa suspek ang isang sling bag na naglalaman ng isang medicine kit at anim na plastic sachets na naglalaman ng nasa 30 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P204,000 ang halaga.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
P102K shabu, nasamsam sa Caloocan drug bust
MGA PDL NA MAKAUSAP ANG KANILANG MGA MAHAL SA PAMAMAGITAN NG E-UNDAS
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE