NASAKOTE ng mga tauhan ng Navotas police ang isang babae na nakatala bilang most wanted sa illegal na droga sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City, kahapon ng umaga.
Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Santos Sumingwa Jr, ang naarestong akusado bilang si Ellen Santos, 44 ng Blk. 21, Lot 29, Phase 1-B, Barangay NBBS-Kaunlaran, Navotas City.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Sumingwa na nakatanggap ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Navotas police na naispatan ang presensya ng akusado sa Caloocan City.
Dahil dito, agad nagsagawa ang mga operatiba ng WSS sa pangunguna ni PCMS Ronie Garan ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong alas-11:00 ng umaga sa Salaysalay St., Brgy. 8, Caloocan City.
Si Santos ay may nakabinbing warrant of arrest na inisyu ni Hon. Ronald Que Torrijos, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 288 ng Navotas City para sa para sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002-Possession of Dangerous Drugs (Section 11, Art. II of RA 9165).
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa costudial facility unit ng Navotas police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW