
NAGING awkward ang unang date ng isang babae sa Atlanta, USA matapos siyang iwanan ng lalaki dahil sa dami nang inorder niyang talaba.
Base sa salaysay ng babae sa kanyang Tiktok account na @equanaaa, pumayag siyang makipag-date sa lalaki sa paborito niyang oyster place na Fontaine’s Oyster Bar, kung saan nagkakahalaga ang oyster ng $15 o higit sa ₱800 kung saan nagawa niyang umorder ng 48 piraso, bukod pa rito ang indorder niya potatoes, crab cake at ilang inumin tulad ng cocktail.
Palatak niya, “Everything was so good.”
Nang ihain ng waiter ang ikaapat na batch ng talaba, biglang nagpaalam ang lalaki para pumunta sa CR ngunit makalipas ang ilang minuto ay hindi na ito bumalik. Sa huli, ang ang babae ang nagbayad ng kanilang bill sa nasabing restaurant.
More Stories
“HINDI PA PINAL!” – Atty. Ian Sia, sumalag sa isyu ng disqualification
Pamilyang Villar, todo-suporta sa kandidatura nina Camille at Cynthia Villar sa Las Piñas motorcade
SUPREMO, TANGGOL NG BATANG QUIAPO, NANLIGAW SA MANILEÑO