Nasa malubhang kalagayan ang isang 43-anyos na ginang matapos pagsasaksakin ng lalaking kabarangay sa Malabon City, kahapon ng umaga.

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong mga saksak sa iba’t-ibang bahagi ang biktimang si Juanita Lendo, 43 at residente ng Brgy. Catmon.
Nakapiit naman ngayon habang nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek na kinilalang si Michael Cortan, 35 ng Sitio Gulayan St. Brgy. Catmon.
Sa report nina police investigators PSSg Micahel Oben at PSSg Jose Romeo Germinal kay Malabon police chief Col. Joel Villanueva, dakong 5:30 ng umaga, nasa kahabaan ng Gulayan St. Brgy. Catmon ang biktima nang sa hindi malaman na dahilan ay inundayan ito ng mga saksak sa katawan.
Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek sa hindi matukoy na direksyon subalit, kaagad namang naaresto sa follow up operation ng mga tauhan ng Sub-Station 4 at narekober sa kanya ang ginamit na kitchen knife habang isinugod naman ang biktima sa naturang pagamutan.
More Stories
PBBM SA MGA BOTANTE: BUMOTO NG TAPAT AT MAY MALASAKIT
DOE NAKA-HIGH ALERT PARA SA HALALAN 2025 (Upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente
COMELEC: EU OBSERVERS PINAYAGANG PUMASOK SA PRESINTO, PERO BAWAL HABANG MAY BOTOHAN