NASA kritikal na kalagayan ang isang 34-anyos na dalaga matapos barilin ng isang negosyante sa loob ng kanyang bahay sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.
Kasalukuyang inoobserbahan sa Manila Central University (MCU) hospital sanhi ng tinamong tama ng bala sa dibdib ang biktimang si Maria Angela Prado, 34 ng Kalayaan St., First Rainbow, Makati City.
Nakapiit naman ngayon habang nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek na kinilala bilang si Vonrich Vina, 45, negosyante (Rose Wood Funeral) at residente ng No. 77 Naval St., Brgy. Flores, Malabon City.
Sa report nina PSSg Ernie Baroy at PSSg Mardelio Osting kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-4 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng suspek.
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, armado ng handgun ang suspek at sa hindi malaman na dahilan ay binaril nito ang biktima na tinamaan sa dibdib.
Matapos ang insidente, isinugod ng suspek ang biktima sa naturang pagamutan saka siya inaresto ng rumespondeng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 7 sa pangunguna ni PLT Joel Dalawangbayan.
Narekober ng pulisya sa crime scene ang isang basyo ng bala, isang cal. 9mm pistol Glock na may isang magazine at karagado ng apat na bala habang inaalam pa ang motibo ng suspek sa pamamaril sa biktima.
More Stories
MAYROON AKONG DEATH SQUAD – DIGONG
RESPONSIBILIDAD SA MADUGONG DRUG WAR, INAKO NI DUTERTE
Kaugnay sa POGO scandal… ROQUE, 2 IBA PA KINASUHAN NG HUMAN TRAFFICKING