Sumailalim sa rapid test si volleybelle-beauty queen Michele Gumabao, 27-anyos. Ayon sa former DLSU Lady Spikers ng UAAP, nais niyang maging malakas ang kanyang immune system.
Kabilang si Gumabao sa mga candidates ng Miss Universe Philippines (MUP). Ang nasabing beauty pagent ay kauna-unahan sa panahon ng COVID-19 pandemic.
Kaugnay dito, kabilang si Gumabao sa napipisil na pambato ng isang pageant website. Bukod sa volleybelle, pambato rin bilang ‘hot picks’ ang candidate ng Sorsogon at Davao City.
Noong 2018, naging candidate din ang TV personality na si Gumabao sa Binibining Pilipinas. Nagwagi siya bilang Bb. Pilipinas Globe 2018. Kinawatan niya ang bansa sa Miss Globe 2018. Kung saan. nasungkit niya ang Miss Social Media at Dream Girl kahit nagtapos siya sa Top 15.
Kung magbabalik-tanaw, si Michele ay naglaro sa DLSU Lady Spikers sa UAAP mula 2010-2013. Naging finals MVP siya noong Season 75.
Nakapaglaro siya sa Philippine Volleyball League sa mga team na Philips Gold at Pocari Sweat (2015-2016), Cocolife (2017) at Creamline Cool Smashers (2018). Naging assistant coach naman siya sa Adamson Lady Falcons noong Enero 2016 sa UAAP season 78.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2