Isa lamang si beauty queen at volleybelle Michele Gumabao sa mga celebrities na lumingap sa mga naapektuhan ng bagyong Ulysses.
Sa pamamagitan ng tulong mga kapulisan, ipinaabot ni Gumabao ang 5000 meals sa mga naapektuhang indibidwal sa Provident Village sa Marikina.
Gayundin ang pamimigay ng lugaw sa mga displaced residents via 24/7 lugaw. Ang pondo rito ay mula sa 200 pesos campaign sa Bayanihan Program.
Gayundin sa mga frontliners na buong tapang na sumagupa sa baha upang tulungan ang mga stranded residents.
Kaya naman, pinasalamatan ni Michele ang PNP, Army, Navy at Coastguard. Gayundin ang pamahalaan at NGO na siyang frontliners ng serbisyo.
Na sa kabila na ginagampanan ng buong sikap ang kanilang tungkulin, ipinapagsapalaran din nila ang kanilang buhay at kalusugan.
(Photo Credit: Michele Gumabao Official FB page)
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2