Dahil sa matinding epekto ng pananalasa ng bagyong Rolly, kinasela muna ng Philippine SuperLiga ang Beach Volleyball Cup 2020.
Papaano nga ba isasalang ang laro kung basa ang buhanginan na paglalaruan ng mga players.
Ayon sa pamunuan ng PSL, napagkasunduan nilang i-resume ang torneo sa February 2021.Nakatakda sanang isagawa ng liga ang beach volleyball ngayong buwan sa petsang 26-29 sa Subic Bay.
Mga 16 teams ang magtatagisan sa nasabing torneo. Ngunit, dahil sa epekto ng bagyong Rolly, napagpasyahan ng liga na itigil muna ito.
Ang PSL ang unang non-professional sports at women’s league ang unang nabigyan ng go-signal ng IATF. Na kung saan, puwede nang magtraining at magdaos ng torneo.
More Stories
HUSTISYA PARA KAY PH ATHLETE MERVIN GUARTE!
ISLAY ERIKA AT RAN LONGSHU BAKBAKAN SA ONE CHAMPIONSHIP
Mapua University @100… DON TOMAS CENTENNIAL CHESS CUP ISINULONG ANG GM TORRE RAPID & BLITZ TILT