
NAGHAMON pa si Cristy Fermin, sa mga celebrities na nagdemanda sa kanya ng cyber libel case.
‘See you in court,’ ang matapang na hamon ni Cristy Fermin.
Never daw niyang uurungan ang mga kasong isinampa sa kanya ng mga artistang minsan ay kanyang natulungan sa kanyang panulat, at ngayon ay kalaban niya sa korte.
“Hindi raw niya ikinahihiyang mademanda siya dahil, kasama daw iyon sa trabaho niya bilang journalist at host ng kanyang show.
“Mas nakakahiya raw kung nademanda siya sa kasong, pagnanakaw, human trafficking, o nag-bugaw at kung anu-ano pa raw.
“Pero ang kasong cyber libel case ay kasama daw iyan sa pagiging mamahayag at naunawaan daw niya iyon. Lahat ng demanda nina Sarah Lahbati, Bea Alonzo, Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan ay kanya itong haharapin,” banggit ni Miss Bububuwit na aking source.
More Stories
Hello, Love, Again” pinarangalan ng Box Office Hit Award sa MIFF 2025
AMA NI ANGEL LOCSIN, PUMANAW NA
Baron Geisler pinalaya matapos magbayad ng multa (Nalasing, nagwala)