Hinanggan ni Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo C. Quiboloy ang desisyon ni presidential aspirant at dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr na huwag lumahok sa “The Jessica Soho Presidential Interviews’ na umere noong Enero 22, 2022 sa GMA Network.
“Tama yung ginawa ni Bongbong Marcos na hindi siya dumalo. Kasi ito mga biased eto… tama eto. Sisirain lamang nila si Bongbong, tapos papasukin sa kanilang patibong. Tapos lilitaw, na hindi pala totoong mga interview kung hindi huhulihin ka lang sa mga sinasabi mo… Senator Bongbong, tama etong ginawa mo,” ayon kay Quiboloy.
Maliban kay Marcos, ang kanyang mga karibal na sina Vice President Leni Robredo, Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, Senador Manny Pacquiao at Senador Panfilo “Ping” Lacson ay buong tapang na hinarap ang mahihirap na tanong ni Soho sa no-holds barred Q&A special feature.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA