January 12, 2025

BBM SUPORTADO NG EX-MILITARY, POLICE CHIEF


Nagkaisa ng pahayag ng suporta ang mga retiradong matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines, kabilang ang mga nagsilbi sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa nangungunang presidential candidate na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa paparating na national elections.

Ito’y matapos mapaulat ang pakikipag-alyansa umano ni Vice President Maria Leonor “Leni” Robredo” sa Communist Party of the Philippines (CPP) at sa armed wing nito na New People’s Army (NPA).

Kabilang sa mga nagpahayag ng suporta kay Marcos ang pitong retiradong hepe ng PNP, AFP at Philippine Coast Guard (PCG), siyam na Medal of Valor awardees, at pitong dating service commander at 100 retired general at senior officers.

Ang manifesto of support ay pirmado mismo ng mga dating opisyal.

Sinabi ng grupo na malaki ang kanilang paniniwala na magkakaroon ng tunay at maayos na reporma ang bansa, partikular na sa hanay ng kapulisan at pulisya.

Among those who came out to support Marcos were seven retired chiefs of the PNP, AFP and Philippine Coast Guard (PCG), nine Medal of Valor awardees, seven former service commanders and at least 100 retired generals and senior officers.

Nanawagan din ang mga dating opisyal sa taumbayan na maging mapagmatyag at bantayang maigi ang inaabangang May 9, 2022 elections upang masiguro na maging malinis at mapayapa ito.

Higit lalo anila na nalalantad na sa madla ngayon ang sabwatan ngayon ng Robredo-NPA na malaking panganib para masabotahe ang halalan.

“For the future of our country, of our children and our children’s children, it is incumbent upon all sectors of our society to rally behind and support whoever is chosen by our people through free, fair and honest elections,” anang grupo.

“It is our Constitutional duty as citizens of the Republic to resist any and all efforts to subvert the democratic will of our people,” sabi pa sa manifesto.