November 2, 2024

BBM-SARA, UNITEAM, BITBIT NG ‘KAISAHAN’ NG IGLESIA NI CRISTO

Magandang araw po sa inyo mga Ka-Sampaguita. Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan. Opisyal nang inilabas ng Iglesia Ni Cristo ang listahan ng mga kandidatong kanilang ‘pagkakaisahan’. Kilala ang nasabing relihiyon sa ‘unity voting’.

Kapag binitbit ng kaisahan ng Iglesia ang isang kandidato, malaking bagay ito. Malaking bilang din ng boto ang makukuha. Bagamat kaunti lang ang kabuuang bilang ng miyembro nila kumpara sa ibang relihiyon, malakas ang hatak ng ‘unity’ ng INC.

Marami ang nagalak nang bitbitin ng INC ang Uniteam. Kung saan, ang pambato sa pagka-pangulo ay si Bongbong Marcos. Si Inday Sara Duterte-Carpio naman sa vise president. Inihayag na rin ng Iglesia ang pagkakaisahan nilang ibotong mga senador.

Kung may natuwa sa kaisahan nila na tinatawag ng iba na ‘bloc voting, meron din namang umupat. Wala raw bang kalayaan ang members nila na pumili ng napupusuang kandidato? Bawat isang indibidwal o grupo ay malayang pumili. Subalit, may isinaalang-alang na tuntunin ang kapatiran na dapat nilang sundin. Buong puso ito at maluwag sa puso nila na susundin. Kasi, may doktrina sila na dapat sundin.

May kasabihan nga na : “Ibigay sa Cesar ang kay Cesar; ang ibigay sa Diyos ang sa Diyos.” Bawat isang mamamayan ay may kaparatang bumoto bilang pagsunod sa tuntunin ng ‘Cesar’ o ng pamahalaan. Subalit, may tuntunin din na dapat ibigay ang sa Diyos at walang nalalabag dito.

Kaya nga may ibang grupo ang nagsasagawa rin ng kaisahan. Nananwagan din sila ng ‘unity’. Subalit, sadyang may ibang ayaw magtanggi ng kanilang mga sarili. Kaya, hindi nagtatagumpay ang kanilaang adhikain. Sa pangkalahatan, huwag nating hamakin ang bawat isa. Kung sino ang gusto ng isang iboto, igalang mo.

Gayunman, hindi maikakailang mararamdaman mo’t makikita kung sino talaga ang mahal ng mayorya. ‘Yan ang ating malalaman sa darating na halalan.