Idaraos sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan ang BBM-Sara ‘Proclamation Rally sa Feb.14. Kung kaya, lumabas ang mga speculations na dadalhin ng Iglesia Ni Cristo ang kandidatura ng dalawa.
May mga nag-angat ng kilay at ang iba ay nadismaya. Inupat na agad ng iba sa social media ang nasabing kongregasyon. Binabatikos ng wala sa lugar.
Bakit naman? Wala pang pormal na pahayag ang INC kung sino ang bibitbiting kandidato sa halalan 2022.
Nagkataon lamang na ito ang nasabing lunan upang pagdausan ng okasyon. Lalo nga’t ilalatag pa rin ang safety at health protocols. Lalo na ang disiplina sa social distancing. Sa dami ng supporters ng BBM-Sara tandem, baka umapaw pa ang arena
May tutol sa kaisahan nila. Kesyo, nasasakal ang karapatang pantao. Subalit, may batas at aral ang isang relihiyon na dapat igalang, sundin at irespeto. Ang totoo, marami na rin ang gumagayang institusyon at grupo sa kaisahan. Na malaki ang naitutulong upang lumusot ang manok nila sa eleksyon.
Pwede namang magsagawa roon ang ibang partido gaya ng nasabing okasyon. Open ang Philippine Arena. Huwag muna itong bigyang kahulugan ng iba. Kung sakaling magkatotoo ang kutob ng iba, anong masama roon?
Bakit, may kinakabahan na ba? May nalungkot at nawalan ng pag-asa? Anu’t ano pa man, walang maidudulot na mabuti ang paninibugho at inggit sa ating kapwa. Anoman ang kanyang relihiyon at paniniwala.
More Stories
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino
Ang Pagbabalik ni Hen. Douglas MacArthur