Opisyal ng inendorso ng Catholic group na El Shaddai ang tambalan ni presidential candidate Bongbong Marcos at vice presidential candidate Inday Sara Duterte.
Nitong Sabado, February 12 ay mismong ang lider ng El Shaddai na si Brother Mike Velarde ang nag-endorso sa dalawang popular na kandidato para sa 2022 election.
Dahil dito ay posibleng makuha ng nasabing tambalan ang suporta ng 8-M miyembro ng nasabing grupo.
Hindi naman nakalimutan ni Duterte at Marcos na magpasalamat sa endorso na natanggap nila mula sa El Shaddai.
“Kagalang galang na Bro Mike Velarde,ang inyo pong dasal at basbas, kasama ng lahat ng kasapi ng El Shaddai ay karagdagang sandata sa amin ni Apo BBM sa pagharap namin sa hamon na pamunuan ang ating bansa,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati.
“Ako po at nagpapasalamat kay Bro. Mike Velarde at sa El Shaddai. Sa aming pag-iikot, nararamdaman namin ang mensaheng pagkakaisa dahil tayong mga Pilipino ay mapagmahal. Mabuti naman po na ganyan ang ugali ng mga Pinoy.” saad naman ni Marcos.
Samantala ay ilang miyembro diumano ng El Shaddai ang pumalag sa Twitter at sinabi na hindi parin nila iboboto ang tambalan.
“Sorry pero nanghihina ako, El Shaddai backing BBM-SARA aalis na po akong choir,” sabi ni @ys_jaa.
“Hindi po kami required na iboto kung sino man ang ine-endorso ng aming servant leader… may kalayaan po kaming pumili kung sino ang nais namin.. solid kakapink pa din kmi ng nanay ko kahit na member kami ng El Shaddai. God bless,” ani @Pretty_juhyun28.
“El shaddai family ko pero Leni kami,” sabi naman ni @bunsonxtdoor
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA