Talagang blockbuster ang ilang series ng Caravan nina Presidential spirant Bongbong Marcos at Inday Sara Duterte. Kahit saan sila magpunta, dagsa ang mga tao. Mainit ang pagtanggap sa kanila. Di rin sila magkamayaw at pagsidlan ng tuwa. Sa madaling salita, sila na ba ang bet ng mayorya ng taumbayan na iboboto sa halalan?
Sa nakalipas na mga araw, nagsagawa sila ng caravan. Kabilang na rito ang sa Laguna, Quezon City at Cavite. Ngayon naman ay nasa Rizal sila umarangkada.
Pikit-mata mo mang isipin, talagang dinadagsa ng mga tao. Sa ganitong senaryo, nagbibiga ng mensahe ang madla kung sino ang matimbang sa kanila. Bagamat may ilang pinupukol na isyu, ipinagsasanggalang sila ng taumbayan.
Boluntaryo raw anila ang kanilang pagsuporta. Walang hinihinging kapalit. Sapagkat taos sa puso nila ang tumulong sa napipisil nilang kandidato. Kung pakikinggan ang kanilang tinig at ipinapakitang pagtanggap, walang dudang malakas ang BBM-Sara tandem.
More Stories
Araw ni Rizal, Ginunita
Huling Tula ng Pambansang Bayani
ANG KANLURANG DAGAT NG PILIPINAS