Hindi pa man pormal na nakauupo si BBM bilang president, may twist na nangyari sa ekonomiya. Medyo sumadsad ang halaga ng piso kontra dolyar. Sa ngayon, naglalaro ang isang dolyar sa PHP54.00.
May di magandang epekto ito sa ating ekonomiya dahil tataas ang presyo ng mga bilihin. Gayunman, magandang balita ito sa mga kababayan nating OFW. Tataas kasi ang remittance nila. Malaki ang katumbas ng ipinapadala nilang pera rito.
Ang siste, may nagagalak kapag mataas ang palitan ng dolyar sa piso. Mayroon din namang nababahala. Sa nakasanayan na, sasamantalahin ito ng mga dorobo sa ekonomiya.
Kaunting kebot lang, magtataas na naman ang mga bilihin. Kaya, dapat bantayan ito ng kinauukulan. Lalo na ng bagong halal nating Pangulo.
Na kontrolin agad ang mga nakaambang pagtaas. Dahil, ganyan naman ang kalakalan nun. May duda nga ang iba rito na baka sinasabotahe ng iba ang susunod na adminitstrasyon.
Hindi tayo nag-iisip ng negatibo dahil hangad natin ang positibong pagbabago. Positibong pagkilala at panghuhusga sa ating mga kababayan. Mahirap man ito o mayaman.
Pinakahahangad natin ang pagbabagong ito. Upang matiyak natin ang pag-ahon sa payak nating pamumuhay.
More Stories
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino
Ang Pagbabalik ni Hen. Douglas MacArthur