Patuloy na nangunguna si Bongbong Marcos sa Presidential aspirants sa 2022 national election. Batay sa isinagawang survey ng mga vloggers sa Manila Bay Dolomite beach. Kasama na rin dito ang kinatawan ng pahayagang ito.
Nakakuha si BBM ng 66.88% mula sa 200 respondents. Pumangalawa naman si Manila Mayor Isko Moreno na na may 10%.
Pangatlo si Ping Lacson na may 8%, Sen. Bato De La Rosa (8%) at VP Leni Robredo (3%). Si Sen. Manny Pacquiao naman ay nakakuha ng 4%.
Nanguna naman sa Vice Presidentiables si Sen. Tito Sotto na may 45.9%. Pangalawa si Sen Bong Go na may 39%. Si Sen. Francis Pangilinan naman ay nakakuha ng 9%. Ang natira ay undecided pa.
Sa senatoriables naman, kung ngayon isasalang ang ‘ Magic 12’ pasok sina Sagip Party List Rep. Rodante Marcoleta (34.5%). Nakakuha naman Sen. Zubiri ng 32.3%, Gringo Honasan 24.3%, Chiz Escudero 25.9%, Alan Peter Cayetano 26.6%, Herbert Bautista (25.6), Loren Legarda (34%), Raffy Tulfo (37.1%), Mark Villar (31.7 %) at Joel Villanueva (26.5%).
Pasok naman sa ‘Magic 12’ sina Atty. Larry Gadon na may 33.4 percent at actor-host na si Robin Padilla na may 22.8%.
Isinagawa ang survey nitong ika- 20 ng Oktubre hanggang 26, 2021. Bukod sa Manila Bay, nagsagawa din ng Kalye survey ang mga vloggers. Kabilang na rito sa Antipolo at Brgy. Tandang Sora, Q.C.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA