December 23, 2024

BBM, HINDI GUMASTOS NI SINGKO SA ELEKSYON DAHIL MULA SA DONASYON ANG PONDO

Sadyang mahal ng masa si BBM (Bongbong Marcos Jr), ang bago nating halal na Pangulo. Siya ang ika-17 Presidente ng ating Republika. Malaki ang naging tulong ng mga sumuporta sa kanya sa landslide win noong eleksyon.

Pero, may mga espikulasyon ang ilan, na malaki raw ang ginastos nito sa kampanya. Kaya, nakakapagdaos ng malalaking rally. Subalit, mantakin nyo bang ni singkong duling wala siyang ginastos.

Kundi, ang mga gumastos sa campaign niya ay ang mga supporters. Katunayan nga, inihain ng abogado niya sa Comelec ang SOCE. Ito’y ang Statement of Contributions and Expenditures. Nakalagay doon na P0.00 ang kanyang expenditures paid out of personal funds/resources.

Ibig sabihin, puro galing sa cash contribution ang pondo. Na nakasaad din naman sa SOCE. Batay dun, nakatala ang P3.73.25 milyon. Ang P247.23 milyon naman ay mula sa in-kind contributions sa political party. Dagdag pa ang in-kind contribution mula sa ibang resources na P4.2 milyon. Sa kabuuan, umabot sa P624.68 milyon ang nagastos sa kampanya.

Repleksyon ang inihaing SOCE ng kampo ni BBM, na walang ibinulsa o dinupit. Kung ano ang nagastos, yun ang talagang ilalagay. Dahil dito, nakatitiyak tayo na hindi magiging korap ang administrasyon niya.

Kasi, wala siyang tinapong pera mula sa sarili niyang bulsa. Hindi naman nasayang ang effort ng taumbayan mula sa kusa nilang pagtulong. Kaya, naipanalo ang kanyang kandidatura. Subalit, tiyak na sasabihin ng iba, totoo kaya yan? Wala ba talaga siyang ginastos mula sa bulsa niya? Aba’y problema nyo na yan!

Teka, hihintayin natin ang SOCE ng iba pang kandidato. Malalaman natin kung tugma ang kanilang ginastos sa isusumiteng dokyu.