November 3, 2024

BBM ‘EMERGENCY ALERT’ IIMBESTIGAHAN


Nakatanggap ng maya’t mayang emergency alert ang mga tao na nasa venue kung saan naghain ng kaniyang kandidatura si dating Sen. Bongbong Marcos. 

Sa text emergency warning tila ikinakampanya rito ang pagkandidato ni Marcos, anak ng namayapang diktador na si Ferdinang Marcos Sr.

Nakalagay pa rito ang initial ni Marcos, at may hashtag itong #BBM2022. 

Itinanggi ng National Disaster Risk Reduction Management Council na galing sa ahensiya ang text message. 

Sa isang pahayag, sinabi ng NDRRMC na hindi rin galing sa mga telco ang mensahe. 

“We trust that the National Telecommunications Commission (NTC) will be looking into this matter. Our people can be assured that the NDRRMC reserves the use of its warning systems for their mandated purpose only, that is to provide proper and timely warning to our people regarding natural hazards,” ani NDRRMC Spokesperson Mark Timbal. 

Ayon naman sa National Telecommunications Commission, maaaring galing ang text blast sa isang iligal na portable cell site malapit sa hotel. 

“Hindi yan text alert na nanggagaling sa NDRRMC kasi based sa ating rules at yung free alerts, emergency alerts ay mayroong coordination ang NDRRMC at TELCO na only alerts from NDRRMC ang itetext blast ng mga TELCO, and we coordinated with the TELCO walang ganoon na pinadala ang NDRRMC,” ani NTC Undersecretary Edgardo Cabarios. 

Ayon sa ahensiya, iimbestigahan nila ang nangyari at kung ma-trace ang gumawa nito ay pananagutin nila.