November 2, 2024

BBM BET MAGING DRUG CZAR SI RODY

MAYNILA –Walang problema para kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr  na makatarabaho si outgoing President Rodrigo Duterte upang gawing drug czar sa kanyang administrasyon.

“If he wants to,” anang Marcos Jr. sa press briefing sa ilang media outlets nitong Huwebes.

Nang matanong kung pormal na niyang inalok si Duterte, sinabi ng incoming President na wala pa silang napapag-usapan ng outgoing Chief Executive.

“No, he has not, we have not talked about it. But I am open to anyone who is able to help in the government so matagal na kaming magkaibigan ni PRRD, noong mayor pa siya long long time ago,” saad ni Marcos Jr.

“So I’m sure if he wants to play a part sasabihin naman niya sa akin, I am certainly open to that,” dugtong pa niya.

Nauna nang hiniling ni Duterte sa susunod na administrasyon na ipagpatuloy ang inumpisahan niyang giyera laban sa iligal na droga. Nanindigan pa ang Pangulo na kahit bumaba na siya sa puwesto, ipagpapatuloy niya ang paglaban sa iligal na droga kahit isang sibilyan na lamang.

Kinumpirma naman ni Marcos Jr. na nakiusap sa kanya si Duterte na tungkol sa bagay na ito.

“Ang napapag-usapan namin bago pa mag-election, basta itong mga bagay na ito ituloy mo, that is the request that is so important to him. Still, siyempre yung kanyang priority is the anti-drug problem,” ani Marcos Jr.