Sabik na ang madla kina BBM at Inday Sara na maupo bilang pangulo at bise president. Yan an gating tatalakayin ngayon. Pero, bago yan,matanong ko lang po muna kayo.
Mga Cabalen, kumusta ang araw ninyo? May hang-over pa rin ba kayo sa mga bitter ngayong tapos na ang eleksyon? Alam naman natin kung sino ang talagang nanalo. Hindi po ba? Aba’y kitang-kita naman ang ebidensiya. Pinakain ni BBM at Inday Sara ng Uniteam ang mga Pinklawans.
Aba’y proklamasyon na lang ang kulang para opisyal na silang makaupo sa puwesto. Pero, sadyang may mga pasaway at ayaw tanggapin ang pagkatalo! Ika nga ng Kongreso, na siyang kakatawan bilang National Board of Canvassers.
Ika nga ni Senate President Tito Sotto, dapat tuloy-tuloy ang canvassing. Magsisimula na aniya ito sa Mayo 24. Kapag natapos na, agad na ipoproklama ang nanalo. Tradisyon na kasi ito. Tiwala naman tayo na hindi na bibitinin pa ng NBOC ang proklamasyon.
Maliwanag naman na walang dayaan na nangyari sa halalan. Malabnaw ang akusasyon ng kalaban. Maliwanag na talo sila pero ayaw pang magconcede. Sila raw talaga ang nagwagi. Abay ewan natin sa kanila kung saan sila humuhugot ng lakas ng loob!
Sa ganang atin, mga Cabalen, hindi na maipagkakaila na sina BBM at Sara ang mauupo. Dahil sila ang mahal ng taumbayan.
More Stories
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!
‘PASINGAW’ NG LPG NI ‘ERIC’ SA TIAONG, QUEZON WALANG SINASANTO AT WALANG KINAKATAKUTAN
LANDBANK INUPAKAN SA MALIIT NA PAUTANG SA MAGSASAKA, MANGINGISDA AT P3.6-B UTANG NG MARIKINA