Ganap nang nanumpa si BBM o Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas.Nasaksihan natin ang kanyang speech na idinaos sa National Museum sa Maynila.
Ramdam natin sa kanyang talumpati ang marubdob na hangaring pagkaisahin ang sambayanan. Ang mailagay muli ang bansa sa rurok ng kaluwalhatian. Kahanga-hanga ang kanyang talumpati na mula sa kanyang puso’t isipan. Walang ginamit na kodigo o teleprompter.
Tumatak sa atin ang mga markadong pananalita. Na nagbigay ng pag-asa sa bawat isa sa atin. Lalo na ang ‘Pangarap nyo ay pangarap ko!’
Layun ni Pangulong Marcos na maisagawa ang nararapat para sa mga Pilipino. Ang maging maunlad, masaya at maging masagana. Naramdaman nating muli ang diwa ng pagiging Pilipino dahil sa mga awiting makabayan.
Gaya n gating naramdaman noon dekada 70-80. Umasa tayo na makasabay s aparada ng tagumpay. Maabot an gating pangarap sa pagtutulungan ng bawat isa. Sa pakikipagtulungan natin sa pamahalaan.
Dahil tayo ang naghangad ng pagbabagong ito, nararapat lamang na tumulong tayo sa pagbuo ng matatag at maunlad na bansa. Maging positibo lang tayo at makakamtan natin ang mas maunlad at masagana pang pamumuhay.
More Stories
ANG KANLURANG DAGAT NG PILIPINAS
Ang Disyembre ay Buwan ni Rizal
Elpidio R. Quirino, Guro to Pangulo