
QUEZON CITY — Ipinahayag ni Atty. Alex Abaton, nominado ng Bayaning Tsuper Partylist, ang kanyang adbokasiya para sa mas pinaigting na edukasyon at impormasyon ukol sa road safety, pati na rin ang pagsasabatas ng mga panukala laban sa road rage incidents.
Sa ginanap na “Bakit Kayo Sa Kongreso” Media Forum sa Quezon City, na pinangasiwaan ni moderator Pia Morato, iginiit ni Abaton na kailangang tutukan ang kaalaman ng mga motorista at publiko ukol sa wastong asal sa kalsada upang maiwasan ang aksidente at karahasan sa lansangan.
“Hindi sapat ang pagpaparusa lang; dapat magsimula tayo sa tamang edukasyon at preventive measures para mabawasan ang road rage at aksidente,” ani Abaton.
Dagdag pa niya, isusulong ng Bayaning Tsuper Partylist ang mga batas na magbibigay proteksyon hindi lamang sa mga tsuper kundi sa lahat ng gumagamit ng kalsada, bilang bahagi ng kanilang pangunahing adbokasiya sa Kongreso.
More Stories
Seafarers, Karapat-dapat sa Mas Mura at Abot-Kayang Pagsasanay
PSAA LEAGUE SA TOPS USAPANG SPORTS
Bureau of Corrections at PUP, Nagkaroon ng Kasunduan Para sa Behavioral Modification ng mga Bilanggo