NILAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang batas ang Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2), na maglalaan ng P165.5 bilyon na pondo na gagamitin sa pagtugon ng bansa sa epekto ng pandemya ng COVID-19.
Ito ang inanunsiyo ni Christopher “Bong” Go ngayong Biyernes.
Noong nakaraang buwan nang maratipikahan ng Senado at House of Representatives ang naturang batas.
Sa ilalim ng Bayanihan 2, naglalaan ng stimulus package na P140 billion sa regular appropriation at P25 billion bilang standby funding.
Malaking bahagi ng budget ay mapupunta sa loans para sa mga sektor na labis na naapektuhan gaya ng micro, small and medium-scale enterprises, transport, tourism at agriculture.
Sa ilalim ng batas ay naglaan din ng allowances sa mga estudyante sa private at public elementary schools, high schools, at colleges na ang magulang ay nawalan ng trabaho. Bibigyan din ng retroactive payment na P100,000 hazard duty pay ang mga health workers; kukuha ng dagdag na emergency health workers; at magbibigay ng risk allowance sa public at private health workers na kumakalinga sa COVID-19 patients.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA