PUMASOK na sa win column ang Bayabas Kennel Leaf matapos nitong tambakan ang GDL Construction, 95-83 sa pagpapatuloy ng Sinag Liga Lakas Kwarenta sa Villar Gym, Las Piñas kamakalawa ng gabi.
Ibinuhos ang buong lakas ni ex- PBA star Braulio Lim katuwang ang isa pang toreng si Anthony Cuevas at iba pang frontliners nito upang mantinihin ang kanilang tempo at momentum para sa misyong itala ang unang panalo matapos ang tatlong sunod na close game heartbreaking losses upang umentra sa winners circle ,1-3 kartada.
Si Lim na siyang best player of the game ay kumamada ng impresibong 20 pts-7 rebounds,4 steals at 1 block na senyales ng maugong na pagbalikwas ng tropang Bayabas sa timon ni headcoach Airness Rhei Alao.
Sa pagkakataong iyon, tiniyak ni Alao ang pagiging matatag ng koponan partikular sa endgame upang maiwasan na ang paghulagpos ng panalo sa ligang inorganisa ng Sinag Liga Asya sa pamumuno ni chairman Rocky Chan , president , Ray Alao at commissioner Rodney Santos.
“Feels amazing po na makakuha ng unang panalo pero di po dapat kami maging confident sobra dahil madami pa po kaming kailangan trabahuhin at ayusin offensively and defensively, lalo na we still have 3 games bago pumasok ng quarterfinals pero still, grateful kami kay God na finally naka- isa na din kami. Hopefully, mag sunod sunod na,”pahayag ni Kennel head coach Airness Alao na finally ay nakalasap ng tamis ng unang panalo bilang head coach sa opisyal na liga. Ang batang Alao ay dating varsity player ng AMA Titans sa NAASCU at Jose Rizal University (JRU) Bombers sa NCAA.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE