INIHAYAG ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na ang pagbabawas ng distansya sa physical distancing sa mga pampublikong sasakyan ay taliwas sa mga umiiral na safety policies.
“Studies of health experts showed that social distancing, along with proper wearing of face mask and handwashing, help prevent the spread of the coronavirus disease. Reducing distancing among commuters to increase ridership is inconsistent with the minimum safety standards that we have been teaching our people for six months now,” ani Tiangco.
“Trains, air-conditioned buses, planes and other public transit are closed spaces. The risk of infection in these spaces is higher than outdoors,” dagdag ng alkalde.
“We have been urging our constituents to practice social distancing even at home and in their workplace. Why would we allow them to forego this safety measure when taking public transportation?” patuloy niya..
Naghayag din ng pagkabahala si Tiangco na ang pagre-relax sa physical distance requirement ay maaaring maglagay sa mga mamamayan sa panganib na mahawa ng sakit.
“We have started to flatten the curve. This means what we have been doing is effective. Let us always put the highest priority on the health and safety of our people,” anang alkalde.
Kinatigan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang panukala ng Economic Development Cluster (EDC) at Department of Transportation (DOTr) para madagdagan ang mga sumasakay sa pamamagitan ng pagbabawas ng distansya sa mga mass transit.
Mula isang metro, ang itinakdang physical distance sa pagitan ng mga pasahero ay unti-unting babawasaan ng .3 meters matapos ang apat na linggo.“Two meters in open air and 0.75 in closed spaces does not make any sense when studies show that there is a higher risk of transmission in closed spaces,” pagwawakas ni Tiangco.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA