December 24, 2024

BAWAL NA DROGA, ISINURENDER NG ISANG PDL NG NEW BILIBID PRISONS

Isinurender ng isang inmate sa New Bilibid Prisons o NBP ang bawal na droga at mga paraphernalia sa paggamit nito.

Ayon ito sa report ni J/INSP Angelina L. Bautista, BuCor Deputy Director for Operations and NBP Acting Superintendent kay. Bureau of Corrections (BuCor) Director, General Gregorio Pio Catapang, Jr.

Sa nasabing report, ang person deprived of liberty o PDL na si Robert Gamboa ang personal na nagsuko ng isang kulay asul na pouch na naglalaman ng anim na  sachets ng crystalline substance na hinihinalang shabu at iba pang na nakalagay sa dalawang  pineapple cans.

Laman ng dalawang lata ng pineapple ang jsang  improvised water pipe, tatlong piraso ng improvised transparent glass tooter, tatlong piraso ng improvised transparent glass tube at isang  plastic na may mga basyong plastic sachet.

Ayon kay Catapang, tumanggi ang PDL na tukuyin kung saan at kanino galing ang bawal na droga na kanyang sinurender.

Si Gamboa ay nakukulong sa maximum security compound ngunit sínabi ni Catapang na inilipat na siya sa medium security compound para sa kanyang kaligtasan.

Ang sinurender naman na  illegal drugs at paraphernalia ay dinala na sa  Office of the Intelligence and Investigation Section para sa  proper documentation saka inilipat sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.