DINOMINA ni ‘ Jerico ‘Panday’ Bañares si Yves Cobrito sa finals upang tanghaling kampeon ng Battle for Supermacy- Sharks Invitational Billiards Championship kamakailan lang sa Sharks Billiards and Pool Arena na nasa Diliman, Quezon City.
Ang Antipolo pride na si Banares ay iginupo si Cobrito sa race- to 19 championship.19-13 sa ligang inihandong din ni Cong, Arnie Teves, Jr. upang ibulsa ang top prize na P200 ,000 at titulo bilang Sharks’ supreme champion sa pagtatapos ng taon.
Naipanday ang kanilang duwelo matapos gibain sa race-to 15 sa semi-finals ni Cobrito si Roel Nalaunan at gapiin ni Bañares si Mark Ejay Cunanan sa torneong suportado rin ng Bugsy Promotion, Andy Billards Cloth,BMPAP,Hardtimes Sports Bar at ‘K’.
Itinumba naman mula eliminations race-to-9 ni Bañares si Dian Mark Castronuevo at race-to- 13 quarterfinals si Edgie Geronimo habang si Cobrito ay dinurog sina Jeffrey Horzerada sa elims at Michael Daganan upang maikasa ang kanilang bakbakan sa state-of-the -art venue ng Sharks Invitational Billards Championship na pinangasiwaan ni Tounament Director Hadley Mariano.
” Nasaksihan natin dito ang pang- international na talento sa billiards ng ating mga local pool sharks. Marami nang mahuhusay na Pinoy bilyarista na kelangan lang madiskubre sa pamamagitan ng ating Sharks ,” sambit ni Mariano sa klasikong kampeonato.
Maagang pumoste si Banares sa unang bahagi ng sarguhan,6-2 pero nagawang dumikit ni Valenzuela pool shark Cobrito 7-8 upang tumindi ang tumbukan ng dalawang top players ng bansa.
Akma nang maipa-pocket ni Panday ang titulo nang umabot siya sa hill 18-12 pero naimintis niya ang itim na 8 ball upang mabigyan nang pag-asa si Cobrito nang angkinin niya ang 13th sa rack 31.
Di naman nagawang u-runout ang sumunod na rack upang tuluyan nang sungkitin ni Bañares ang titulo bilang Supremo.
” Tindi ng laban .buti na lang kundisyon ako sa pisikal at isip para mapagtagumpayan ko ito.Mahusay din ang nakatunggali ko kaya patibayan na lang ng dibdib,” pahayag ni Bañares na nagpasalamat sa Sharks sa pag-organisa ng mataas at de-kalidad na sarguhan sa larangan ng billiards.
Ang pro-billards na kampeonato sa Sharks ay sinaksihan din ng Games and Amusement Board( GAB) sa pangunguna ni Pro Division Chief Doc Bong Garcia at officer Jess Enriquez.
More Stories
Gatchalian: Pag-amyenda sa Teachers Professionalization Act layong iangat ang edukasyon sa bansa
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS