NAGHAIN si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa ng isang resolusyon para imbestigahan ang pag-alis ng Facebook sa mga accounts na sumusuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa mga advocacy pages ng militar.
Layon ng Senate Resolution No. 531 na inihain ng naturang senador na humanap ng angkop na Senate Committee na maaring magsagawa ng inquiry upang matiyak na hindi masisikil ang freedom of expression ng mga Filipino.
“Magpapatawag tayo ng Senate hearing para malaman natin ang sinasabi nilang coordinated authentic behavior, sabi nila tinanggal dahil fake account, fake news, ‘di naman ito fake, ito ay grupo na nagnanais protektahan ang mga anak nila, this is an advocacy group,” sambit ni Dela Rosa.
Ayon pa kay Dela Rosa, 57 accounts, 31 pages at 20 Instagram profiles ang tinanggal ng kumpanya kung saan kabilang ang mga content na sumusuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte; nagpapahayag ng mga isyung mahalaga para sa mga OFW; aktibidad ng militar kontra terorismo; anti terrorism law; posts laban sa Communist Party of the Philippines (CPP), New People’s Army (NPA), at sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP); at iba pa.
Ipinunto rin ni Dela Rosa na kinwestyon umano ng mga pumupuna sa censorship ng Facebook kung bakit hindi nasama sa mga inalis na accounts, profiles at pages ang mga sumusuporta at nagsusulong sa karahasan at mga ideolohiya ng communist-terrrorist na New People’s Army.
“Ano ngayon ang masasabi nila, bakit puro pro-government, puro anti-communist ang tinake-down nila, how about itong mga account na pro-communist, are you sure ‘di ito fake accounts?” dagdag niya.
Ayon aniya sa Armed Forces of the Philippines (AFP), ang advocacy page ay nagbibigay kaalaman tungkol sa vulnerability ng mga kabataan sa kamay ng communist-terrorist groups gaya ng CPP-NPA na kinikilala bilang teroristang grupo hindi lamang sa bansa kundi maging sa Estados Unidos, European Union, United Kingdom, Australia, Canada, at New Zealand.
“Maganda ba behavior ng pro-communist account? Very clear ang target nila. ‘Yung sample ko, sino bang parents ang gustong maging NPA ang anak, ‘yung commander mismo ng NPA, politiko mismong kaalyado sa NPA ayaw nilang maging NPA anak nila, pinag-aral nila sa mga mamahaling eskuwelahan. ‘Yung accounts ng NPA wala kang makitang totoong tao diyan,” sambit pa niya.
Tinanong din siya kung sa tingin niya’y anti-government ang Facebook, sinabi ni Dela Rosa na, “Ano pa bang konklusyon, magpakatotoo tayo sa ginawa nilang ganun that’s very clear, ba’t ‘di nila tinake-down ang fake accounts ng NPA?”
Giit ni Dela Rosa, maaaring makaapekto sa hakbang ng pamahalaan kontra sa paglaganap ng violent extremism sa bansa ang ginawang censorship ng Facebook.
Matatandaan noong September 3 ay inanunsyo ng Facebook head of security policy na si Nathaniel Gleicher na tinaggal ng Facebook mula sa social media platform nito ang dalawang networks dahil sa coordinated inauthentic behavior o dahil sa paggamit ng sobrang daming fake accounts para makapag-operate
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY