Kinumpirma ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na nagpositibo siya sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
“I’m sorry to inform you that I tested positive for COVID-19 yesterday. To all who made contact with me, please do the appropriate protocols,” saad ni Dela Rosa.
Maging ang nakatatanda anak na babae ng senador ay positibo rin sa virus.
Dahil dito, lahat ng senador at staff na nakasalamuha ni Dela Rosa ay sasailalim sa swab anti gen test.
“Well he was in the Senate last wed but we did not have any close contact. But nag swab anti gen test na rin kami last night. Negative naman ako,” wika ni Senate President Tito Sotto.
Si Dela Rosa ang ikalimang senador na nagpositibo sa COVID-19 matapos maunang tamaan sina Senate Majority Leader Migz Zubiri, Senator Sonny Angara, Senator Koko Pimentel and Senator Bong Revilla.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA