
Pumanaw na ang batikang aktor na si John Regala noong Sabado sa edad na 58.
Ikinuwento ng asawa niyang si Victoria Scherrer na namatay si John bandang alas-6:28 ng umaga dahil sa cardiac arrest at komplikasyon sa atay.
Matatandaang labas-pasok sa loob ng ospital ang aktor dahil sa iba’t-ibang health complications tulad ng liver cirrhosis, gout at diabetes.
Si Regala ay isang kilalang character actor na nagbida sa ilang mga pelikulang ’90s.
Unang sabak sa showbiz ni Regala ay sa ’80s youth show na “That’s Entertainment.”
Noong 1990s, nakilala siya bilang kontrabida ng karamihan sa mga action film.
Kasama sa kaniyang mga kilalang pelikula ay ang “Alyas Baby Face,” “Primitivo Ebok Ala: Kalaban Mortal ni Baby Ama,” “The Vizconde Massacre”at “Batas Ko ay Bala.” Kabilang sa mga pinakahuling pelikula niya noong 2000s ang “The Road” at “Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story.” AIDA TAGUICANA
More Stories
Mahigit 4,000 PDLs, nakaboto sa Halalan 2025—BuCor
PBBM SA MGA BOTANTE: BUMOTO NG TAPAT AT MAY MALASAKIT
DOE NAKA-HIGH ALERT PARA SA HALALAN 2025 (Upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente