PINASALAMATAN ng Department of Education (DepEd) si Pangulong Rodrigo Duterte sa paglagda nito sa Republic Act. 11480.
Ang nasabing batas ang mag-aamyenda sa R.A. 7797 kung saan binibigyang kapangyarihan ang Kalihim ng Edukasyon na magrekomenda ng mga pagsasaayos sa school calendar sa panahon ng krisis.
Pinasalamatan din ng DepEd ang senador at miyembro ng Mababang Kapulungan sa agaran at napapanahong pagpasa ng batas.
Ang DepEd ay kinonsulta mg pangulo at mga mambabatas sa proseso ng pagbuo ng naturang batas.
Sa ilalim batas, ang pangulo ng bansa ay binibigyang kapangyarihan na baguhin ang schedule ng pagbubukas ng klase kapag mayroong krisis.
Nakatakda nang maglabas ng Implementing Rules and Regulation ang DepEd hinggil dito.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA