November 5, 2024

Batangas PPO binigyang pagkilala ng Area Police Command-Southern Luzon

Sa naging pagbisita ni PMGen. Rhoderick Armamento, Acting Commander ng Area Police Command-Southern Luzon, ngayong araw ng Biyernes, Hulyo 22, 2022 sa Camp Gen. Miguel C Malvar, Batangas City.

Binigyang pagkilala nito ang Pamunuan ng Batangas PPO sa pangunguna ni BPPO Provincial Director PCol. Glicerio Cansilao, para sa ‘di matatawarang kontribusyon at sama-samang pag-sisikap sa pakikipag-ugnayan sa iba pang mga ahensya ng pamahalaan para makapagbigay ng seguridad at matiyak ang maayos na halalan nitong nagdaang National & Local Elections 2022.

Kasama sa mga binigyang pagkilala ang 1st Batangas Provincial Mobile Force Company sa pamumuno ni Force Commander PMaj. Ira Morello, at ang  2nd Batangas Provincial Mobile Force Company sa pamumuno naman ni Force Commander Plt. Col. Jaime Pederio Jr. at Mabini Municipal Police Station sa pamumuno ni Officer-In-Carge PMaj Mickglo Mariñas.

Matapos ang mainit na pagtanggap ng mga tauhan ng Batangas PPO sa pamamagitan ng isang arrival honors, isinagawa namn ang tradisyunal na “Talk to Men” kung saan ipinarating ni PMGen. Armamento ang mga instructions at guidance ni DILG Secretary Atty. Benjamin C. Abalos Jr at PNP OIC, Plt. Gen. Vicente Danao Jr. na nakatuon sa pag-papaigting ng mga operasyon na may kinalaman sa internal security, at kampanya laban sa kriminalidad partikular na sa kampanya laban sa paglaganap ng mga iligal o di lisensyadong mga baril.

Aniya, para maisakatuparan ito kinakailangan na paigtingin ang police presence/visibility, kung saan kailangan, ay palaging nasa “Tamang Bihis” nang sa gayon aniya ay makita ng mamamayan bilang mga respetadong alagad ng batas at madaling lapitan lalo na sa oras na kinakailangan.

Dagdag pa niya na bilang alter-ego ni OIC PNP, ang pagbisita nila ay bahagi ng kanilang isinasagawang Operations Readiness and Performance Audit (ORPA) upang makita ang kalagayan at malaman ang mga pangangailangan ng kanyang nasasakupan nang sa gayon ay maiparating ito ng direkta kay OIC PNP at matulungan ang bawat isa sa ilalim ng Revitalization and Capability Enhancement Program ng PNP. Higit sa lahat, ipina-alaala ni PMGen. Armamento ang tatlong katauhan na dapat taglayin ng bawat pulis bilang lingkod bayan at ito ay ang pagiging God-centered, Service-oriented, at Family-based na mga police personnel.

Sa huli sinabi ni PBGen. Yarra na siya ay nagpapasalamat sa pagkilalang iginawad sa Batangas PPO dahil ipinakikita nito na pinahahalagahan ng kanilang mga katuwang sa misyong “To Serve and Protect” ang mga ginagampanang tungkulin ng kanyang mga pulis. Giit pa nito na lubos niyang ikinasisiya at makakaasa kayo na kanilang mas pag-iibayuhin ang pagtupad ng kanilang tungkulin alinsabay ang pagsunod sa mga direktiba ng ating butihing OIC PNP at DILG.