December 25, 2024

BATANGAS, LAGUNA TUMANGGAP NG P80-M NA DAGDAG NA PONDO PARA SA PAGCOR VILLAGE, EVACUATION CENTER

TUMANGGAP ang dalawang bayan na malapit sa Taal volcano ng pondo para sa housing at evacuation center projects mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).



Maari na ngayong palakasin ng mga bayan ng Balete sa Batangas at Cabuyao sa Laguna – na hindi nakaligtas sa phreatic eruption ng Taal noong 2020 – ang kanilang disaster risk reduction at management measures sa pamamagitan ng ipinagkaloob na P80 milyon, na natanggap nila noong Mayo 13, 2021.

Pormal na itinurnover ng PAGCOR ang P30 milyon na tseke sa Balete, Batangas local government unit (LGU) sa groundbreaking ceremony para sa pagsisimula ng PAGCOR Village project, na malapit nang itayo sa Barangay Solis sa nasabing munisipalidad.

Tulad ng ibang PAGCOR Villages, napakaloob sa P30 million housing project ang 100 units ng 30 square-meter na bahay at isang arko o signage na makikita sa entrance ng project site.


Ayon sa nakaisip ng proyekto na si PAGCOR Chairman at CEO Andrea Domingo, idinisenyo itong mga village na ito upang magkaroon ng permanteng tahanan o mga pamilya na nawalan ng tahanan dahil sa pagsabog ng Taal Volcano noong Enero 2020.

Ayon kay Balete Mayor Wilsom Maralit, dinagdagan ng PAGCOR Village ang housing project ng bayan na layong makapagbigay ng permanenteng relocation sites para sa mga pamilya na nakatira sa danger zone ng Taal Volcano. Kabilang sa kanila ay mga residente mula Sitio Siaten sa Barangay Sebastian, at ang mga naninirahan sa mga tent sa Brangay Makina sa loob ng isang taon dahil hindi sila makalabalik sa kanilang tahanan sa Barangay Calawit sa Taas Island.

“This PAGCOR Village will soon provide a safer home to our displaced families,” ayon kay Maralit. “We are very thankful to the agency as we alone cannot fast-track the construction of housing units without the support from partner-agencies such as PAGCOR.”

Naglaan naman an gang beneficiary LGU ng lupa kung saan itatayo ang housing project na may maayos na daan, tubig at kuryente.

Nakahinga naman ng maluwag ang 45-anyos na si Nemesio Ocampo, na isinilang at lumaki sa itinutring ngayon na permanent danger zone, dahil kasama ang kanyang pamilya sa priority list ng PAGCOR Village recipients sa kanilang lokalidad.

“Isa na po siguro ako sa pinaka-masaya dahil napabilang kami sa pabahay. Dama po kasi namin ang pangamba sa Sitio at hirap ng pagiging bakwit noong kailangan naming lumikas,” saad niya.

Samantala, sa Cabuyao City, nagpapasalamat naman si Mayor Rommel Gecolea sa PAGCOR matapos makatanggap ang kanilang siyudad ng P50 milyon na pondo para sa pagpapatayo ng Multi-Purpose Evacuation Center (MPEC) na malapit na ring itayo sa Barangay Banay-Banay.

Opisyal na tinanggap ng city officials ang tseke na may halagang P25 milyon, na unang tranche ng pondo, sa ginanap na groundbreaking event.

“Resiliency is a key factor in good governance. This project boosts the city’s capabilities in managing disasters such as flood and Taal’s eruptions,” ayon kay Gecolea.

Dagdag pa niya, ang MPEC project ng PAGCOR ay sumasalamin sa bayanihan spirit ng Filipino para mabigyan ng komportableng tahanan ang mga evacuees sa panahon ng kalamidad.

Bukod sa Cabuyao, Laguna, naglabas din ang ahensiya ng first tranche ng pondo para sa kanilang MPEC projects sa  San Pablo City, Laguna; Lobo, Batangas; Silago,   Southern Leyte; La Paz, Tarlac; Dingalan, Aurora; Catarman, Samar; Barangays Camflora, Mangero at Poblacion sa  San Andres, Quezon; Tapaz, Capiz; Cajidiocan, Romblon; Dinas, Zamboanga del Sur; Tagudin, Ilocos Sur; Tadian, Mountain Province; Legazpi City at Ligao in Albay; Ocampo, Tigaon, San Jose at Sagnay sa Camarines Sur; at San Fernando at Floridablanca sa Pampanga.