Itinuturing ng 2nd Infantry Division (2ID) ng Philippine Army na “insurgency-free” na ang lalawigan ng Batangas.
Ito ang inanunsiyo ni Maj. Gen. Greg Almerol, 2ID commander, sa ginananap na memorandum of agreement (MOA) signing.
Ayon kay Almerol, matagumpay na nakamit ng Batangas ang mga parameters na itinakda ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para maging “insurgency free” ang isang lugar.
Isa sa mga parameters ay ang walang naitalang NPA violent activities sa loob ng isang taon sa isang lugar.
Isinagawa ang ceremonial signing of documents sa Provincial Capitol ng Batangas ngayong araw March 10,2021.
Ang nasabing Memorandum of Agreement ay pinirmahan ni Gov Hermilando Mandanas at MGen Greg Almerol, Commander ng 2ID na siyang may operational jurisdiction sa buong CALABARZON region.
Ang nasabing aktibidad ay itinaon sa meeting ng Provincial Peace and Order Council, na dinaluhan ng mga alkalde at ibat ibang government agencies kasama ang AFP at PNP commanders.
Nagpasalamat naman si Gov. Mandanas sa AFP, PNP at sa ibat ibang agencies na nakiisa para mapanatili ang peace, prosperity, and development sa nasabing probinsiya.
” Development will always rely on the attainment of peace as a result of the national and local government’s concerted effort which shows a true zeal of leadership and compassion to its people,” pahayag ni Gov. Mandanas.
Highlight sa nasabing aktibidad ang presentasyon ng mga isinukong armas at pamamahagi ng mga food packs sa pitong dating mga rebelde na pinagkalooban ng monetary support na nagkakahalaga ng Php 455,000 at medical services na kabilang sa mga benepisyo na kanilang makukuha mula sa programa ng gobyeerno ang Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
Pinuri aman ni MGen Almerol ang mga sundalo at pulis sa Batangas dahil sa kanilang magandang samahan na tinawag nitong “seamless relationship” lalo na sa kanilang kampanya para labanan ang insurgency at terorismo at mapanatili ang peace and order sa nasabing probinsiya.
“The government’s desire to end insurgency through the Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict or PTF-ELCAC of Batangas made the impossible, possible for the people we have sworn to serve,” pahayag ni Almerol.
Binigyang-diin ni Almerol ngayong insurgency free na ang Batangas, lalo pang mapalakas ang commercial viability at ang turismo sa probinsiya.
Ang Batangas ang ika-limang probinsiya sa area of responsibility ng 2nd Infantry Division na idiniklarang mayruong stable internal peace and security (SIPS) una ang Cavite nuong Dec 4, 2018, Romblon nuong Feb 21, 2019, Marinduque nuong Mar 25, 2019, at Laguna nuong September 26, 2019.
Hawak ng 2nd ID ang buong Southern Tagalog kabilang ang MIMARO provinces.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE