PINATUNAYAN ng mga dayong Russians na sila pa rin ang powerhouse sa larangan ng ahedres matapos dominahin nina top seed at defending champion GM Aleksey Grebnev sa boys juniors at WIM Anna Shukhman ang nagreyna sa girls category sa nagtapos na Asian Juniors and Girls Championshipcn kamakalawa sa Knights Templar Hotel sa Tagaytay City.
Si Grebnev na itinuturing na pinakamalakas na junior chess player sa mundo na may ELO na 2530 ay nagkasya sa draw kay IM Aswath India para maitala ng 7 .5 puntos sa kanyang 6wins at3 draws sa prestihiyosong 9-round na torneong inorganisa ng Asian Chess Federation( ACF) sa agapay ng Tagaytay City government.
Sina 7th seed Munkhdalai Amilal ng Mongolia at si Aswant ay nagtapos ng 2nd at 3rd sa kanilang 7 pts. at 6.5 pts.ayon sa pagkakasunod.
Si Amilal na nag-iisang kalahok mula Mongolia ay tinalo si World Cup veteran IM Michael Concio ng Pilipinas sa 58 moves ng Nimzo Indian.
Ang pambato ng bansa na si 19- anyos Concio (2368) ay nagkasya ng 2 draw sa huling 2 rounds na may 5 pts. lang para sa 9th-10th.
Si FM Christian Gian Carlo Arca ang pinakamataas na Pinoy finisher, 4th to 8th place sa kanyang 6 points.
Ginapi ni Arca si FM Arjun Adireddy ng India para sa 8th matapos ang tiebreak.
Sa girls division dinaig ni Shukmann si WFM Devindya Oshini Gunawardhana ng Sri Lanka para saklitin ang titulo sa kanyang 8 pts.
Segunda naman si Halder Sneha ng India habang tersera ang kababayang si WIM G.Tejaswani.
Kinilala naman ng organizer ang pinakabatang partisipante ng torneo na si Natalie Go ng Hongkong na anim na taon gulang pa lang . Dumalo sa awarding ceremony ng prestihiyosong chess event ni POC president( Tagaytay City Mayor) Abraham Tolentino si Vice Mayor Agnes Tolentino at Tagaytay Chess Club head Mike Lapitan. (DANNY SIMON)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA