INILIGTAS ng isang 26-anyos na foreign technical intern na Pinoy ang isang 6-anyos na Japanase matapos mahulog sa isang sikat na fishing spot sa Japan.
Ayon sa ulat ng Livedoor News, walang suot na life jacket ang naturang bata nang malaglag sa Hakozaki-futou sa Higashi-ku, Fukuoka City.
“But a Filipino man, a technical intern, jumped into the sea and helped [him]. [B]oth of them were not injured,” mababasa sa report.
Nabatid na nangingisda ng mga panahong iyon ang Filipino intern malapit sa lugar kung saan nalaglag ang bata, kaya’t hindi na ito nagdalawang isip na tumalon sa dagat para sagipin ang bata.
Dagdag pa sa ulat na kung hindi ito tinulungan ng kababayan nating Pinoy ay malalagay sa panganib ang buhay ng bata.
Sinabi rin sa report, na tinanong ng mga magulang ng bata ang pangalan ng naturang Pinoy at nag-alok ng reward pero tumanggi itong ibigay ang kanyang pangalan at umuwi na lang.
Nabanggit din sa article ng Livedoor News, naganap ang insidente sa sikat na fishing spot malapit sa Hakozaki Fishing Port, na tinatayang 3.5 kilometro ang layo mula sa JR Hakata Station.
Pinuri naman ni Japanese Ambassador to the Philippines Endo Kazuya ang ginawang kabayanihan ng Filipino intern.
“Heroism knows no boundaries. A story of a true Bayaning Filipino in Fukuowa who selflessly saved a young boy from the sea. His selfishness and bravery inspire us all,” ani Kazuya sa isang tweet.
More Stories
BORACAY SOBRANG MAHAL? MAYOR DUMEPENSA
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
2 menor de edad nalunod sa Laguna Lake sa Binangonan, Rizal