Patay ang isang walong taon gulang na batang lalaki matapos malunod sa ilog sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang biktima na si Kevin Hoybia, 8-anyos ng Bldg. 7, Rm. 27, Home 1, Tanza 2.
Lumabas sa imbestigasyon, dakong alas-4 ng Linggo ng hapon nang maganap ang insidente sa Hulong duhat Boundary Tanza 2, Batasan river, Tanza 2 makaraang tangayin ng mga alon ang biktima habang naliligo sa kasama ang kanyang 12-anyos na nakakatandang kapatid na lalaki.
Kaagad humingi ng tulong ang kuya ng biktima sa kanilang mga kaanak na agad namang hinagilap upang iligtas ang bata subalit, nabigo silang makita ito.
Ipinaalam ng ina ng biktima na si Perelyn, 48, ang insidente sa Barangay Tanza 2, na sila namang humingi ng tulong sa mga awtoridad.
Sa isinagawang pinagsamang operation ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP), Coast Guard at Navotas NDRRMO ay narekober ng mga ito sa naturang lugar ang wala ng buhay na katawan ng biktima dakong alas-12:30 ng Lunes ng hapon. (JUVY LUCERO)
More Stories
FIESTA HARAYA 2024 NG DTI SA MARINDUQUE MATAGUMPAY NA NAIDAOS
IWAS HOUSE ARREST: ROQUE NAGPUNTA SA UAE
BENTAHAN NG ILLEGAL VAPES SA ONLINE SHOPPING APPS, TALAMAK