ISINAILALIM sa Signal No. 1 ang lalawigan ng Batanes dahil sa Severe Tropical Storm Jenny ngayong araw.
Batay sa 5:00PM bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), si Jenny ay tinatayang nasa 760 kilometers east ng Aparri, Cagayan at kumikilos sa northwestward na direksyon sa bilis na 15 kph.
Taglay ni Jenny ang maximum sustained winds na 100 kph malapit sa gitna at bugso na umaabot sa 125 kph.
Inaasahang maghahatid ng malakas na pag-ulan ang bagyong Jenny sa mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Quezon kabilang ang Polillo Island, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Northern Samar, and Eastern Samar hanggang Lunes ng hapon.
Mas palalakasin din ni Jenny ang Southwest Monsoon o Habagat at magdadala ng mga pag-ulan sa western portion ng Central and Southern Luzon, Visayas, at Mindanao sa loob ng tatlong araw.
More Stories
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
6 tulak, nadakma sa higit P.2M shabu sa Navotas
Higanteng Christmas tree sa Araneta City pinailawan