
Arestado ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Valenzuela Police ang pitong katao matapos maaktuhang simisinghot ng shabu sa naturang siyudad.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Sammy Iglisias, Ronelio Enriquez, Imelda Mallari, Gilbert Francisco, Ronnie Cabuso, Josephine Mallari, at Divine Mallari.
Ayon sa report, isinagawa ang buy-bust operation sa pangunguna ni P/Msgt. Roberto Santillan matapos makatanggap ng tip kaugnay sa isang bahay na ginagawang puwestuhan ng mga adik sa 308 Dulong Tangke St., Malinta, Valenzuela City.
Narekober sa mga suspek ang limang pirasong plastic shachet na hinihinalang shabu, P500, buy-bust money, cellphone, at mga drug paraphernalia. (RIC ROLDAN)
More Stories
“Pasig Deserves Better: Mas Mura, Mas Marami, Mas Makatao”
RCBC ATM Go, Magiging Bukas na sa Foreign Tourists: Mga Sari-Sari Store, Gagawing Mini-Bank sa Mga Tourist Spot
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa