Dapat lang na mabuksang muli ang Bataan Nuclear Power Plant, mga Ka-Sampaguita. Malaking tulong ito sa sambayanan kapag nag-operate muli. Hindi natin ito gagamitin sa kung ano man. Kundi para gumaan ang pasan ni Juan De la Cruz sa bayarin sa kuryente.
Mismong ang Department of Energy na ang nagsabi na safe itong buhayin. Dapat aniyang ipaubaya ito sa mga eksperto. Ang mga ilang sektor na tutol dito ay mga pamanggulo lang. Sila yung tipong naghahanap lang ng butas.
Pero, kung ikaw ay isang talagang nag-iisip, gugustuhin mong muling buksan ang BNPP. Siyempre, hindi naman bobo ang mga kinauukulan na hindi maisip ang kaligtasan ng tao.
Kaya nga, masusi itong pag-aaralan bago muling buksan. Ika nga ni Energy Secretary Erguiza Jr, easy lang. Kaugnay dito, dalawang big company sa mundo ang nagsabing pwedeng i-rehabilitate ang planta.
kanino ba tayo makikinig? Sa mga pasaway sa kalye o sa mga eksperto? Magtitiis na lang ba tayo sa mahal na bill ng kuryente? Na kung anong pangdu-doktor na lang ang ginagawa para rito.
Kapag nabuksan ang BNPP, tiyak na matatapos na ang pagpapataba ng mga kapitalistang hayok sa pera. Bubuksan ito na isinaalang-alang ang kaligtasan, seguridad ng mamamayan.
More Stories
PAGPASA NG P3.5 BILYONG BUDGET NG MARIKINA, NAAYON BA?
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE