BBM, maaari raw madisqualified sa pagka-kandidato nito bilang Pangulo. Ganyan ang tinuran ni retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio.
Bakit daw? Aniya, sa kanyang pitak, kinasuhan si Bongbong Marcos Jr. nooong 1992. Ito ay dahil sa kabiguang magfile ng income tax returns. Ito’y sapol taong 1982 hanggang 1985. Nahatulan pa raw ng guilty sa tax evasion si BBM noong 1995.
Napatawan ng multa. Pero, di inirekta sa kulungan. Ani pa ni Carpio, maaaring magamit ang kasong ito para ma-disqualify si BBM.
Ba’t ngayon lang inilatag ‘yan? Maliwanag na demolition job lang ‘yan. Dahil ba sa malakas si Bongbong sa survey? Hindi na mahihilot ng propagandang ito ang mayorya ng taumbayan.
Alam na nila na paninira lang ito. Tumakbo na noon bilang senador at Bise Presidente si BBM. Pero, walang lumabas na ganito. Ni ipinukol na ganitong alas. Ngayong tumakbo siya bilang Pangulo, ngayon lang ito lumabas.
Bakit ang ibang kandidatong may kaso’ nahatulan, na nagfile ng COC, walang banat. Bakit si BBM ang pinupuntirya?
Hindi na basta-basta mabibilog ninuman ang isip ng ating mga kababayan. Sa puso’t isip nila, alam nila kung sino ang malakas. Kung sino ang kanilang ihahalal. Lalo nyo lang pinapaalab ang apoy na baka ikapaso ng iba. Kaya, itigil na ang paninira sa pulitika.
More Stories
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino
Ang Pagbabalik ni Hen. Douglas MacArthur