TUNAY na superyor sa bakbakan sa ‘lupang pangako’ ang mga mandirigma ng Basilan.
Buwenas din ang hatid ng ‘Friday the 13th’ sa Mindanao leg champion Peace Riders matapos gapiin ang Visayas leg titlist KCS-Mandaue, 83-65, Biyernes ng gabi para makumpleto ang makasaysayang sweep upang tanghaling Southern Finals champion ng 2021 Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup sa Pagadian City Gymnasium sa Zamboanga del Sur.
Nakopo ng Jumbo Plastic-Basilan ang kampeonato sa malinis na 3-0 marka sa best-of-five series. Sa Mindanao leg, winalis din ng Basileños ang (12-0) ng torneo sa kanuna-unahang professional basketball league sa South.
Maliban sa opening frame kung saan nakababante ang KCS, 23-20, hindi na nakaporma ang Mandaue nang magsimulang rumatsada ang opensa ng Peace Riders para isara ang halftime sa 43-40.
Sinundan ng Mindanao champs ang hataw sa dominanteng 15-0 run para sa 28 puntos na kalamangan, 58-30, sa kalagitnaan ng third period. Wala nang nagawa ang KCS kundi panoorin ang pakikipagtipan sa kasaysayan ng Basilan.
“Talagang napakasarap nitong championship na ito kasi ang hirap ng basketball ngayong pandemic. We are fortunate na na nakakapaglaro kami pero now na nag champion tapos na 13-0 pa, it’s on a whole another level,” pahayag ni Basilan head coach Jerson Cabiltes.
Nanguna si Jay Collado sa Basilan na may 15 puntos at apat na rebounds, habang kumana si Michael Juico ng 14 puntos, pitong rebounds, apat na assists, at dalawang steals.
Nagsosyo sina Michael Mabulac at Collado sa Finals Most Valuable Players award tangan ang averages of 12.3 points, 11. 3 rebounds, and 1.7 assists, at 12 points, 5.7 rebounds, at 2.0 assists sa tatlong laro, ayon sa pagkakasunod.
Kumana si Gileant Delator sa Visayas kings na may 14 puntos at limang steals.
Bukod sa karangalan na kauna-unahang Southern champions, tinanggap ng Basilan ang premyong P1 milyon mula kay Chooks-to-Go Pilipinas owner Ronald Mascarinas. Naiuwi naman ng KCS ang P500,000.
Congratulations sa mga personalidad behind the success ng VisMin Cup at sa tagapagtaguyod na Chooks- to-Go ni G.Mascarinas.
Bagma’t dumanas ng ilang issues at kontrobersya na birthpains ng bagong liga, sa kabuuan ay di matatawarang tagumpay ang alay sa basketball – loving Filipinos sa Katimugan.All is well that ends well.’Til next conference… ABANGAN!
More Stories
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Mga leader ng bansa dapat mahiya sa mga Pilipino, walang tigil sa bangayan!