December 24, 2024

BARKO NA MAY 39 PINOY CREW NAWAWALA

ISA sa 39 na tripulanteng Filipino na lulan nang nawalang Panamian cargo vessel ang natagpuan ng Japanese Coast Guard.

Sa report ni Beth Estrada ng POLO-Osaka kay Labor Secretary Silvestre Bello III, kinilala ang natagpuang Filipino na si Chief Officer Edwardo Sareno.

Sa ngayon ay patuloy ang  Japanese Coast Guard sa search and rescue operation gamit ang  4 na rescue patrol boats, 2 eroplano katuwang ang mga  diver mula sa Haneda Airbase Special Rescue Team.

Nabatid na isang barkong ang nawala sa kasagsagan ng Signal 9 na bagyo sa karagatang sakop ng Amami Oshima, Kagoshima.

Sa report sa DOLE,  nakatanggap ng distress signal ang 10th Regional Coast Guard Headquarters sa Japan mula sa isang cargo ship na naglalayag 185 km  west ng Amami Oshima, Kagoshima prefecture madaling-araw kahapon.

Kahapon aniya ay papalapit ang Typhoon No. 9 sa nabanggit na karagatan kung saan naglalayag ang freighter ‘Gulf Livestock 1’ na nakarehistro sa  Panama.

Nabatid na lulan ng cargo ship ang tinatayang 43 tripulante kabilang ang 39 na Filipino, 2 New Zealander,  1 Australian at 1 Singaporean.

Sinasabing ang barko ay may kargang mga baka nang umalis sa  Napier  NZ at patungong  Tangshan sa China nang maganap ang trahedya.