January 3, 2025

BARBIE FORTEZA AT JAK ROBERTO HIWALAY NA

KINUMPIRMA ni Barbie Forteza na hiwalay na sila ng kanyang longtime boyfriend na si Jak Roberto.

Sa isang Instagram post, nag-iwan si Barbie ng mensahe para kay Jak kung saan inilarawan niya ang pagtatapos ng kanilang 7 taong relasyon bilang isang “beautiful goodbye”.

“Don’t cry because it’s over. Smile because it happened” – Dr. Seuss

Having you in my life was the happiest I had ever been. Seven wonderful years. A lot of laughs, a lot of ramen and so much love.

Your love was exceptional.

But sometimes, good things fall apart so better things can come together.

Beautiful goodbye, Jak”, saad ng aktres sa kaniyang caption kasama ang mga larawan ng kanilang mga dating dates.

Hindi naman inilahad ng aktres ang dahilan ng kanilang break up.

Nagpasalamat din ang aktres kay Jak sa pagmamahal ng aktor sa kaniya.

“Thank you for loving me the way you did. I am excited for what’s to come for the both of us. You take care of yourself. May you find the love you deserve”.

Umapela naman si Barbie sa kaniyang mga supporter ng pang-unawa at umaasang matuldukan o matahimik na ang naturang usapin.

I hope for everyone’s understanding and I wish you can help us put this matter to rest.”

Sa ngayon, wala pang inilalabas na statement ang aktor kaugnay sa kanilang break up ni Barbie.

Isa nga sa pinakamatagal na celebrity couples ng Kapuso network sina Barbie Forteza at Jak Roberto na tumatak sa puso ng kanilang fans bilang JakBie.