
Pinayagan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga halal na opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) na sumali sa sa partisan political at campaign activities para sa 2025 elections.
Nakasaad sa Comelec Minute Resolution No. 24-1001 na hindi na kabilang sa pagbabawal ang mga halal na opisyal ng barangay at SK, alinsunod sa desisyon ng Korte Suprema na nagsasaad na ang pagbabawal na ito ay para lamang sa mga civil service officer at empleyado.
Gayunpaman, ipinagbabawal pa rin sa mga opisyal ang pagso-solicit sa mga residente at anumang gawain na labag sa Omnibus Election Code (OEC).
Magsisimula sa Marso 28 ang campaign period para sa mga kandidato para sa House of Representatives at iba pang local post at magwawakas sa Mayo 10.
Samantala, nagsimula na noong Pebrero 11 ang 90-day campaign period para sa senatorial candidates at party-list groups.
More Stories
86 DRIVER, 2 KONDUKTOR POSITIBO SA SURPRISE DRUG TEST NG PDEA NGAYONG SEMANA SANTA
P102 milyong halaga ng shabu, nasabat sa checkpoint sa Samar
DepEd: Walang pagbabawal sa pagsusuot ng toga sa graduation; imbestigasyon sa Antique incident sinimulan na