November 5, 2024

BARANGAY CHAIRMAN NA ‘SUPERSPREADER’, ARESTUHIN – PDU30

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pulisya na arestuhin ang mga barangay chairman na papayagan ang mga mass gathering na maaring maging superspreaders event o pagkalat ng coronavirus tulad nang nangyaring insidente sa Caloocan, Quezon City at Bulacan.



Ipinag-utos niya sa mga awtoridad na hampasin ang mass gathering violators sa kamay o sa paa kung ayaw magpaaresto.

“Beginning tonight, ‘pag may isa pa, ang unang hulihin ang barangay captain. I’m ordering the police to arrest the barangay captain and bring him to the station, investigate him for being a derelict, of dereliction of duty having failed to enforce the law,” saad niya sa kanyang weekly taped address.

“Much as we would like to reduce the COVID cases, eh kung ganoon ang ginagawa ninyo, walang katapusan na itong p***** i**** ‘to kasi lahat kayo naghahawaan na naman,” wika pa niya.


Kaugnay sa mga lumalabag sa ipinagbabawal  na mass gathersing, bumaling si Duterte kay Interior Sec. Eduardo Año: “Instead of using a hand to put a person under arrest na lumaban, na makipagsuntukan siya, eh ‘di hampasin na lang n’ya. Hampasin n’ya ‘yong paa, not the head… Hampasin mo ‘yong kamay, hampasin mo ‘yong paa ‘pag lumaban because you have to put him under your authority.”


Nagbigay ng katiyakan si Duterte sa pulisya: “Huwag kayong matakot. Ako na mismo ang mag-intervene if you are charged tapos ganoon ang nangyari.”