January 13, 2025

BARANGAY CHAIRMAN, 3 PA ARESTADO SA PANGUNGUPIT NG SAP


MAYNILA – Timbog ang isang barangay chairman at talong iba pa dahil sa umano’y pangungupit sa social amelioration program o SAP.

Ayon sa mga awtoridad, nakatanggap sila ng mga report mula sa mga residente na nagtungo sa claiming areas  pero may kumuha ng ng pera na para sa kanila.

Isa na rito ang residente na si Jerson Seniza, na ipambibili sana ng pagkain ang makukuhang pera para sa kanyang pamilya.

“The social worker told me, you have already claimed. I said how come I claimed that I haven’t signed yet. We have already seen the sign. I asked the social worker, he was painting it. The face has been seen. We used our name. We are buying rice. It’s hard and tired,” malungkot na pahayag ni Seniza.

Bago pa dumating si Seniza, mayroong gumagamit ng pekeng ID, gamit ang kanyang pangalan.

Bukod kay Seniza, mayroon ding kumuha sa SAP ni Renerio Salabo.

Dahil sa pangyayari agad nakipag-ugnayan ang Manila Department of Social Welfare sa MPD Special Mayor’s Reaction Team.

Dito na nahuli ng mga suspek na sina Barangay Chairman Mario Simbulan, Kagawad Cristina Zara, Ex-O ng Barangay 608 sa Sta. Mesa Isagani Darilay at dating bodyguard na si John Mark Nagera.

Ginawa umano ng kagawad ang sertipikasyon, habang pinirmahan naman ito ng kapitan.

“Because the one-year ECQ was just out of necessity, I got a loan for the house. Then the new one, I got my lunch, electricity, water,” saad ni Darilay.


Ayon sa MPD, hindi ito ang unang pagkakatao na may inaresto silang opisyal ng barangay dahil sa korapsyon. “There are already 14 former chairmen who have been shown cause by the local government. And there are also chairmen who have been sued by the special mayor’s reaction team assistant CIDG Manila and sued. They are also destroying themselves,” saad ni MPD – SMART chief Police Lt. Col. Rosalino Ibay.

Nahaharap sa reklamong malversation of public funds at falsification of public documents ang mga suspek.