SINAMPAHAN ni suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag ng kasong murder at grave misconduct laban kay Justice Secretary Jesus “Boying” Remulla at iba pang indibidwal sa Ombudsman.
Sa reklamong ni Bantag na may petsang Enero 4, inakusahan ni Bantag si Remulla na siyang mastermind sa pagpatay kay Lapid at kay Jun Villamor, ang inmate na umano’y middleman sa kaso.
Ayon kay Bantag. May motibo si Remulla para ipag-utos na patayin si Mabasa matapos banatan ng broadcaster ang Kalihim sa isang episode ng Lapid Fire na umere ilang araw bago siya paslangin.
Sa naturang reklamo rin ay inakusahan si Remulla na siyang responsable sa pagkamatay ni Crisanto Jun Villamor, na itinuturong middleman sa pagpatay kay Lapid. Lumalabas sa forensics na namatay si Villamor sa suffocation.
Kasama rin sa reklamo ni Bantag ang limang persons deprived of liberty (PDLs) na sangkot din umano sa pagpatay kay Lapid at Villamor.
Inakusahan din ni Bantag si Bucor officer-in-charge Gregorio Catapang sa pagkakasangkot sa murder conspiracy dahil pinayagan niya ang mga akusadong PDLs ng New Bilibid Prison na ilipat sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI)
Itinanggi naman ni Bantag ang inihaing reklamo ni Bantag.
“He’s trying to exhaust all his possible remedies which is to go against me personally, but it will not change anything, the cases will continue,” saad ni Remulla.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI