Sa layong matulungan ang mga maliliit na magsasaka na mapaganda at mapalaki ang kanilang ani, nakipag-partner ang Banko, micro finance arm ng Bank of the Philippine Islands sa agri-tech company na Agrilever upang ilunsad ang Agri NegosyoKo Loan Program.
Ayon sa BPI, layon ng inisyatiba na mapalakas ang agricultural practices at mapaganda ang kabuhayan ng mga magsasaka.
Umaasa ang BanKo at Agrilever na mas maraming magsasaka pa ang matulungan sa pagpapahusay sa paraan ng pagsasaka at pagkakaloob ng financial solutions.
“The Philippines is an agricultural country, and to sustain and expand farming opportunities, we must support our farmers with programs that help them grow their businesses,” ayon kay BanKo President Rod Mabiasen Jr.
Ang Agri NegosyoKo Loan Program aniya ay isang komprehensibong paraan na nagsusulong ng productivity, efficiency, at economic well-being ng magsasaka sa pamamagitan ng strategic partnerships sa mga kooperatiba gaya ng Agrilever.
Kaugnay nito, tinukoy ang Agri NegosyoKo Loan Program na resulta ng kolaborasyon sa mga kooperatiba at aggregators, kasama na rito ang technological expertise, at magbibigay ng pagkakataon upang madaling makakuha ng tulong pinansiyal at mga makabagong kaalaman sa pagsasaka at paggamit ng makabagong teknolohiya.
Bukod sa customized loans, ang Agri NegosyoKo Loan Program ay nag-aalok ng komprehensibong benepisyo gaya ng financial education, protection and security, personal engagement and community involvement, streamlined application process at mga insentibo.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA